Babala Bawal Magtapon ng Basura

Ang babala ay isang halimbawa ng teknikal-bokasyonal na sulatin.Ito ay isang paalala na nagbibigay impormasyon sa mga tao upang maiwasan natin ang sakuna,aksidente o isang bagay na hindi inaasahan. Makikita sa itaas ang isang halimbawa ng babala na nagsasabing"Bawal magtapon ng basura".Ito ay isang paalala na nagsasabing dapat huwag tayong magtapon ng basura sa kung saan saan upang maiwasan natin ang sakit,pagbaha at para mapanatili natin ang isang malinis na kapaligiran.